Balanse (Ft. Rhyxodus)

from by Lon

/
  • Streaming + Download

    Immediate download of [Balanse] Track by Lon Instructions will be emailed to you. Thank you.

     

about

Produced by Philip Louvert for Brown Biscuit Music 2010

lyrics

Balanse
Written by: Lon


Intro:
yo kung ang buhay ay timbangan...
sa kaliwa ka ba o kanan...
haha.. gumitna ka lang yo yo..
makinig ka lang...


Verse 1:
Heto nanaman parang kong isang asong buang
Sa pagmulat sa buhay ng puro nanlalamang

Isip ko'y umaanghang sa bawat pag-atake
hindi ko na makita kung sino sinong kasale

Ang dami-dame kalahati walang sinabe
pero sapat na bang umarte ng pang hari pare

Hindi ganoon ang mamuhay ng sapat lang
hanapin mo ang mga nawawalang patlang

Ako'y mulat, handa na sa pag-gunaw ng mundo
Ngunit sapat na ba na hihintayin ko lang ito?

Hindi ako bato at hindi makakapayag
Ito ang mga latay na sa dibdib ibinayad

Hindi mo ba batid? Ang hiling ko ay lamig
sa pag-kalungkot ko ako sana'y makatawid

Wag ka nang magisip, Ibalanse mo lang
Hindi ako mayaman, Nagsisipag lang



Hook:
At ngayon kuntento na ko sa buhay na Balanse
Kapit-kapit, Walang takot, Umaabante.

Sa paglipad ko, Gusto ko kasama kita
Ang pungay ng mga lambing sayong mga Mata


Verse 2:
Ako'y patuloy sa paglalakbay sa Buhay
patuloy na hahakbangin ang mga Kulay

Mga palamuti at panlilinlang
Kala mo totoo yun pala kunyari lang

Kaya't wag kang magpapasilaw pag sila'y nanjan
Alam mo dapat kung sino ang puro arte Lang

Ako'y hinahabol na ng Kaba
Samsampa pa ba O mananatiling nagtataka

Ganito ka-aga, punong puno ako ng Pag-asa
Hiling ko sana maging sakto lahat para

Wala ng gulo, luha at patayan.
Ako na ang magsisilbing balikat kaakbayan

Pag sapit ng bukas, Panibagong yugto
Simulan ang pagbabago sa sarili mo

At kahit na gaano to kahirap
Wag kang bumitaw
Patuloy lang mangarap at magsikap


Hook:
At ngayon kuntento na ko sa buhay na Balanse
Kapit-kapit, Walang takot, Umaabante.

Sa paglipad ko, Gusto ko kasama kita
Ang pungay ng mga lambing sayong mga Mata
(2x)


Verse 3:
sa yong mga mata lahat sila nakatingin, kapag nasa/
taas ka na itutulak sa bangin, at kapag//
nahulog ka tatawanan ka pa rin/
iharap mga mukha.. ahking pagsasampalin//

ganito pa rin kami ni lon noon hanggang ngayon/
mula ngayon di hihinto, di hihinto.../

kase ang buhay para daw gulong taas baba/
bakit hihinto ka pa? kung sa akin ang kalsada//

galit ang tag-araw kase hindi ako uhaw//
galit ang tag-ulan kase ngiti ko ay bughaw//
galit ang tag-lamig kase maiinit na ko non/
galit silang lahat kase panahon namin ngayon//

hinog na ang bunga, eto pagkakataon/
sa mga nagpapangap higupin... ang dagtang lason//

ibabalik ko ang sarile sa date basta/
ang sukatan aking sinabe yun lang ang aking balanse//




Hook:
At ngayon kuntento na ko sa buhay na Balanse
Kapit-kapit, Walang takot, Umaabante.

Sa paglipad ko, Gusto ko kasama kita
Ang pungay ng mga lambing sayong mga Mata
(2x)


Outro:
sa'yong mga mata may lambing ang pungay/
gusto ko kasama kita sa paglipad ko//

umaabante, walang... takot, kapit-kapit/
sa buhay na balanse kuntento na ko ngayoooon...//


END

credits

from TOASTED mixtape, track released April 2, 2010

tags

license

all rights reserved

about

Lon Philippines

We aim to bring you the freshest talent from around the world. Website launching soon, for now to find out more check us out on all social networks.

contact / help

Contact Lon

Streaming and
Download help

Redeem code